Best game to play with your girlfriend on phone
Best game to play with your girlfriend on phone
Best game to play with your girlfriend on phone
Ang mga cellphone games para sa mga mag-jowa ay isang masayang paraan upang mag spend ng time kasama ang iyong partner, magkasama man kayo o nasa isang long-distance na relationship.
Ang mga larong ito ay maaaring pagandahin ang inyong relasyon at palakasin ang inyong samahan. Kung ikaw at ang iyong kapareha ay nakatira nang malayo sa isa’t isa, ang mga larong ito ay makakatulong sa iyong panatilihing may ugnayan at maging mas malapit sa isa’t isa.
Gayundin, ang mga laro sa mobile ay makakatulong sa iyo at sa iyong partner na maging mas malapit, mas kilalanin ang isa’t isa o pagandahin ang iyong relasyon. Kaya subaybayan lang ang article naming tungkol sa Best game to play with your girlfriend on phone para malaman ang best games na para sa inyong dalawa.
Top 5 Best game to play with your girlfriend on phone
-
Bounden
Sa Bounden, hinahayaan ka ng mga motion sensor ng iPhone na umikot kasama ang inyong parner. Hawakan nyo ang inyong mga cellphones sa magkabilang dulo at i-tilt ang mga ito at i-ikot ng dahan dahan, habang sinusundan ang mga sunod sunod na rings.
Habang iginagalaw mo ang iyong mga braso at iniikot ang iyong katawan, bigla mong ma re-realize na ang iyong sarili ay nag sasayaw na pala. Mayroong iba’t ibang uri ng sayaw, tulad ng Bachata, Tango, at Salsa. Pagsasayaw kasama ang inyong partner ay maaaring maging isang masayang paraan upang magpalipas ng oras nang magkasama.
-
The Sims Mobile
Itong Sims Mobile ay isang life simulation game para sa Android platform. Hinahayaan ka ng larong ito na gumawa ng sarili mong virtual world, kung saan makakahanap ka ng iyong partner, mabuo ang iyong dream house at dream community, at gawin ang anumang mga bagay na ginagawa mo in real life.
Maaari ka ring magpakasal at magkaroon ng mga anak sa game na ito. Ang game na ito ay palaging nakakatuwang laruin, puno ng action at maraming mga exciting na bagay kang pwedeng gawin.
Habang naglalaro ka, maaari kang makakilala ng mga bagong Sim o bagong characters, pwede kayong magtulungan para makakuha ng mga reward, at magbigay ng mga sticker sa inyong mga paboritong Sim. Ang pakikipaglaro sa mga kaibigan o partner nyo ay ang pinakamasayang part ng paglalaro ng The Sims Mobile.
-
Couple Game – Relationship Quiz
Isa sa mga pinakamahusay na paraan para mas makilala ang inyong partner ay ang paglalaro ng Couple Game. Ang larong ito ay ginawa para sa iPhone at may mga interesting questions tungkol sa maraming mga bagay tulad ng mga about sa libangan, holidays at marami pang ibang mga bagay under the sun.
Kailangan mo lang sagutin ang ilang mga katanungan at maghintay para sa iyong kapareha na gawin din ito. Pagkatapos ay subukan mong hulaan kung ano ang sagot ng iyong partner. Sa mobile game na ito para sa mag partners, ang player na may pinakamaraming points ang mananalo.
-
Words with Friends
Kung ikaw at ang iyong partner ay gustong maglaro ng mga word game, ang larong ito ay para sa inyo. Para sa bawat tamang words na mahuhuluan, makakakuha ka ng mga points batay sa kung gaano ito katagal nahulaan.
Ang Words With Friends ay isang laro na maaari mong laruin kasama ng iyong jowa o kasama ng iyong mga kaibigan. Ito ay interactive at sinusubok kung gaano kalawak ang iyong vocabulary.
-
Dots and Boxes
i-connect ang mga dots kung gusto mong pagandahin ang iyong romantic life at para malaman kung ano nga ba talaga ang pag-ibig. Maaaring medyo mahirap ang Dots at Boxes, ngunit maaari rin itong maging masaya at kapakipakinabang. Ang ideya sa likod ng Android game na ito ay simple lang: i-connect ang mga dots upang mai-sarado ang mga boxes na may parehong kulay.
Ang layunin ay gumawa ng boxes mula sa mga dots, at ang bawat dots ay nagkakahalaga ng isang points. Ang taong may pinakamaraming mga box na na kumpleto ay makakakuha ng pinakamaraming points. Kapag naglaro ka ng Dots and Boxes, malalaman mo kung sino ang mas matalino. Kaya, i-download na ang game na ito, connect the dots, at mag-saya sa paglalaro kasama ang inyong kaibigan o partner.